Kabutihan para sa Kalikasan
ni Florenz Howard F Domingo
Para sa akin ang dapat nating gawin ay tumulong kahiti sariling sikap lamang para mapangalagaan ang kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno sa mga lugar na walang puno na nakatanim dahil sa pagtotroso at pagkakaingin. Bakit kaya nila ito ginawa at sguro alam naman nila ang magiging epekto kapag wala na ang mga puno? Maaari ko ring gawin para masugpo ang mga masasamang gawain na ito ay magsumbong sa awtoridad ng mga maling ginagawa ng tao. Dapat tayong magtulungan upang maibalik ang dating sagana sa kalikasan para may magamit pa ang ating mga anak, at mga apo sa susunod na henerasyon.
Gusto kong ipaalam sana sa mga tao na sa halip sirain natin ang kalikasan, dapat ay tulong-tulong tayo sa paglilinis, pagbabawas ng basura, pagtitipid sa kuryente at tubig, ayusin ang mga sirang sasakyan o di kaya'y maglalakad kung malapit lang ang pupuntahan, at pag-iwas sa mga gawain na makakadagdag o magpapalaki sa butas ng ozone layer.
Comments
Post a Comment