Posts

Showing posts from September, 2018
Image
Kabutihan para sa Kalikasan ni Florenz Howard F Domingo                    Alam naman nating lahat na ang kalikasan ang nagbibigay kulay sa ating kapaligiran na sadyang ipinagkaloob ng ating Panginoon. Dapat natin itong ingatan at aalagaan. Mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin ang kapaligiran para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.                          Para sa akin ang dapat nating gawin ay tumulong kahiti sariling sikap lamang para mapangalagaan ang kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno sa mga lugar na walang puno na nakatanim dahil sa pagtotroso at pagkakaingin. Bakit kaya nila ito ginawa at sguro alam naman nila ang magiging epekto kapag wala na ang mga puno? Maaari ko ring gawin para masugpo ang mga masasamang gawain na ito ay magsumbong sa  awtoridad ng mga maling ginagawa ng tao. Dapat tayong magtulungan upang maibalik ang dating sagana sa kalikasan para may magamit pa ang ating mga anak, at mga apo sa susunod na henerasyon.